Out of Print
Down to Earth
by Dan Matutina with special thanks to Anthea Reyes
Photos courtesy of Charles Buenconsejo.
Dan Matutina talks to longtime friends Charles and Grace Buenconsejo about the perils of making it as an artist in the Philippines, the couples’ move to New Zealand, and how a new found appreciation for nature helped Charles face some of his personal struggles.
Since leaving the Philippines, Grace has built for herself a successful career in IT, and Charles has started Open Homes, a new project harnessing and celebrating nature and rooted in values ingrained in his Philippine upbringing, as well as values gained from New Zealand.
Open Homes’ Instagram page describes its platform thusly: “Open Homes is an agriCulture-supported community, regenerating a culture of abundance through the lens of food justice and agroecology centering the marginalized community. Its vision is to decommodify food through our deep spiritual connection with the land, healing with nature, honouring our ancestor's cosmologies of growing food and revitalising the cultures of soil.
“Our guiding principle is rooted from our Filipino core value of kapwa: our relationships, not only with our fellow human beings but with all of nature: birds and bees, microbes and worms, trees, rivers, air, sun and moon. It is a practice of reciprocity which is mirrored by whanaungatanga from Te Ao Maori.”
Charles and Grace recently talked to designer Dan Matutina over Zoom about the ups and downs of living in New Zealand, how gardening and connecting back to nature helped Charles find balance, and about living in the Philippines and the community they left behind. — Jonty Cruz
The following interview has been edited for publication.
“Maganda ‘yung mga awards na ‘yun pero parang hindi din siya talaga nagde-define sa’yo. Ta’s parang, ewan ko, sa loob-loob ko parang meron pa akong hinahanap.”

Dan Matutina: Ga’no kayo katagal nag-work as an artist and photographer sa Pilipinas before kayo umalis ni Grace for New Zealand?
Charles Buenconsejo: Nag-start kasi ako nung college. 2002 ata din, 2003? Nang umalis ako d’on sa fine arts na program.
DM: UP Cebu ka, ‘di ba?
CB: UP Cebu. Wow! Twenty years na pala!
Grace Buenconsejo: Six years na tayo dito. ‘Di 14 years.
CB: Fourteen years. Tagal na.
DM: So nung nagwo-work ka dito, tingin mo ano ‘yung best work na ginagawa mo? Kasi nung paalis na kayo, parang medyo ano mo ‘yun eh, ‘yung peak ‘yun ng art career mo dito.
CB: [Laughs] Art career!
DM: Oo. Hindi, totoo kasi! Nanalo ka ng mga awards-awards nung time na ‘yun eh.
CB: Ewan ko Dan eh! Parang—pa’no ko pa ba sabihin ‘yun? Parang feeling ko… Maganda ‘yung mga awards na ‘yun pero parang hindi din siya talaga nagde-define sa ’yo. Ta’s parang, ewan ko, sa loob-loob ko parang may, meron pa akong hinahanap.
DM: Pero nung nandito ka nung time na ‘yun na nananalo ka ng mga awards na ‘yun, parang, ano ba siya? Super fulfilling ba ‘yun at that time?
CB: I mean nung time na ‘yun, siyempre kailangan mo rin siguro ng type of validity ng mga panahon na ‘yun.
Grace: Tsaka ‘yun naman talaga ‘yung aspiration mo ‘di ba?
CB: ‘Yun yung aspiration nung time na ‘yun.
Grace: Kaya ka nga lumipat sa Manila. [Laughs]
DM: Kaya nga gusto kong andito si Grace eh, parang may ano eh—
Grace: [Laughs]
DM: On the spot fact-checker. [Laughs]
CB: Kasi may mga na-o-omit ako eh.
DM: Oo.
Grace: [Laughs]
DM: Nagbawas ka na ng photography work mo nun ‘noh? Naka-focus ka na kasi’t nung time na ‘yun parang mostly fine art na ‘yung ginagawa mo eh.
Grace: Yes.
DM: Ano ‘yung tingin mo sa ginawa mo na ‘yung parang, eto na ‘to!
CB: Reality Is a Hologram, nakakatawa ‘yun eh, oh my god. Parang minsan cheesy na babalikan mo mga lumang trabaho!
DM: Ang ganda kaya nung exhibit na ‘yun. So anong year ‘yon?
CB & Grace: 2013.
Grace: Oo.
DM: Ah wow, tagal na pala. Ten years na ‘yun?
CB: Mm-mm, 10 years.
DM: Ano ‘yung may ano, ‘yung may cloth na nasusunog-sunog? ‘Yung may mga welding.
CB: Grabe, Dan, mas naalala mo pa ‘yung mga ginawa ko kaysa sa’kin.
DM: Sobrang ganda nun. Ako kasi ‘pag nakikita ko ‘yung work mo nung time na ‘yun parang nafe-feel ko na parang art siya eh.
CB & Grace: [Laughs]
DM: Hindi, seryoso! Kasi sobrang subjective talaga. I mean, kunwari ako sobrang dami kong nakikitang art. Pero minsan ‘pag—
CB: ‘Yan na ‘yung feels!
DM: Oo. Minsan ‘yung art nakikita mo maganda pero minsan parang feels talaga eh. Like ‘yung mga… ‘Yan, ‘yung mga shoot mo na ‘yan, ang daming feels. So ayun.
CB: ‘Yun ata ‘yung panahon na parang ano, ‘yung parang…
Grace: Lakas mo mag-[redacted]. ‘Di, joke.
Everyone: [Laughs]

DM: Nung nasa ‘Pinas ka pa, ano yung mga communities mo nung nandito ka? Well, one, I’m assuming i-aano na lang namin, i-o-own na lang namin na yung isa na kasama mo that time was yung tayo-tayo dun sa Wander‘ and ‘yung mga tao. Pero sino pa ‘yung iba na mga ano mo dun? ‘Yung mga friendships mo dun?
CB: Sa Manila ba ‘to na community? Kasi parang ang dami atang sabihin mong community, kasi parang meron din akong Cebuano na community.
DM: Oo, sa Manila siguro. ‘Yung community mo sa Manila noong practicing artist ka na dito.
CB: Parang diverse din ata, diverse ‘yung community ko nung mga panahon na ‘yun eh. Kayo, ‘yung mga nasa design. Tapos andun din ‘yung art community, which is sina Alice Sarmiento, Cos Zicarelli, Allan [Balisi], sina Dina [Gadia], sina Wes [Valenzuela].
Grace: Ay, sila Zeus [Bascon]. Dex [Fernandez].
CB: Tsaka meron din dun sa fashion industry.
Grace: Ay oo.
CB: Iba din ‘yun eh. Alam mo ‘yun, sobrang diverse talaga eh.
Grace: Oo, sa fashion.
CB: Tsaka meron din, alam mo ‘yung mga music din na industry. ‘Yung mga Urbandub at Taken by Cars, alam mo ‘yan!
Grace: Hindi, kasi dun sa’tin, actually ‘yun ‘yung pinagkaiba dito eh.
CB: Oo.
Grace: ‘Yung mga tao, like diyan sa creative industry like music, fashion, art, halos lahat magkakakilala eh.
CB: Oo, kaya nga eh. Parang isang realm lang tayo dun lahat.
Grace: Dito, ewan ko.
CB: Dito kasi, Dan, parang—
Grace: Kanya-kanya ‘yung mga tao dito.
CB: Parang, alam mo ‘yun? ‘Yung mga tao dito parang ‘di ka talaga agad maka… basta. Kumbaga monocrop ‘yung community namin dito. Wala talaga kami mga artist community na mga kagaya niyo na sa design, sa music, wala eh. Ano ba community namin dito? Mga nasa urban agriculture.
DM: Pero nung nandito kayo sa Pinas, like ‘yung sa art scene dito, ano ‘yung pinaka-nagustuhan niyo dito?
CB: Iba ‘yung collective na vibe diyan n’on eh. ‘Yun ‘yung nami-miss namin eh. Iba ‘yung samahan, alam mo ‘yun? Iba ‘yung ‘pag nagko-collab tayo parang…
Grace: Collab talaga.
CB: Ewan ko, parang mas masaya nun.
Grace: ‘Di, tsaka ‘yung pagka-kunwari may opening, tapos tutulungan ka talaga ng mga tao na mag-set up.
CB: Oo, ‘yung set up. ‘Yun talaga eh. ‘Yung bayanihan na vibe diyan!
Grace: Oo.
CB: Iba.
DM: ‘Pag Pilipino talaga.
Grace: Wala tayo nung “what’s in it for me?” Walang ganon.
CB: ‘Yung mga tao kasi dito eh, parang napaka-individualistic ng lente eh.
Grace: Kahit ‘yung ibang mga Pinoy minsan.
CB: Kahit ‘yung mga Pinoy dito na parang may some type of ano sila eh…
Grace: Tsaka merong “Eh kasi busy ako eh.”
CB: ‘Yung collab dito, parang it has something to do with their branding eh. Alam mo ‘yun? Maganda ba ‘to sa branding ko? Alam mo ‘yun? Iba talaga ‘yung collab natin dati kasi isa lang ‘yung direksyon natin pag nagko-collab tayo, tapos magaan lang.
DM: So kung ‘yun ‘yung gusto mo dito sa Pinas, ano naman ‘yung ‘di mo nagustuhan dito?
CB: Ang hirap niyan ah.
DM: Nung artist ka dito, I guess.
CB: ‘Yung problema dun… kahit saan naman eh.
Grace: Oo, kahit saan naman.
CB: Common naman ‘to na dynamics eh, na ano ‘yun, na parang kailangan mong maging—
Grace: Alam ko ‘yung iniisip mo, ‘yung parang magso-smooch ka sa mga ano.
CB: ‘Yun talaga eh.
Grace: Kailangan mong makipagsabayan sa mga sosyal.
CB: Kailangan mong makipagsabayan sa mga sosyal dahil, alam mo ‘yun, kailangan mong gumimick sa Preview party. Kung galing ka sa probinsya, parang shit, kailangan umayos ka d’yan. Kailangan mong bumili ng damit sa Topshop tsaka Topman para makipagsabayan ka d’yan. Basta Dan, may superficiality talagang ganon eh. May surface na ganon eh. Kailangan shiny ka lagi.
DM: Pero kunwari—
CB: Nung lumipat kami dito, ngayon ko lang na-realize na parang, shit, the whole time pala meron ka palang internalized oppression na galing kang probinsya, kailangan mong i-hide ‘yung accent mo. Kailangan mo i-suppress ‘yung Bisayan identity mo to assimilate whiteness culture that we've inherited from the colonizers.
DM: Mm-mm.
CB: Alam mo ‘yun? Kailangan mong i-conceal ‘yung notion na galing kang probinsya. ‘Yan naririnig ko lagi nung lumipat ako dun dahil matigas ‘yung English ko. Matigas ‘yung Tagalog ko. Tapos, ewan ko, para kasing weird ako dun eh.
DM: Pero diyan sa New Zealand, same situation ba? Like sa art scene diyan, ganon din ba? Kailangan mo din ba parang, sort of smooching?
CB: Iba kasi dito.
Grace: Oo, wala ka masyadong artist friends eh.
CB: Wala kasi kami masyadong artist friends dito. Artist din sila in some form siguro dahil ‘yung iba nagsusulat, ‘yung gallerist na artist din.

“Iba yung collective na vibe diyan non eh. Yun yung nami-miss namin. Iba yung samahan, alam mo yun?
DM: May isang question ako na super curious ako. Kasi ‘di ba, nung umalis kayo, sobrang biglaan eh na walang warning. “Oy, guys, k thanks bye.”
CB: Alis na kami!
DM: Pwedeng pakuwento nung…
CB: Proseso?
DM: Process na ‘yung nangyari na sobrang biglaan.
CB: Nag-start kasi ‘yun na napunta tayo dun sa Australia para sa residency ko dun. 2014 ba ‘yun, 2015?
Grace: ‘Di ko na matandaan.
DM: Oo.
CB: Ta’s nag-visit kami dito sa kapatid ni Grace, tapos nagusutuhan namin ‘yung landscape. Tapos nung time na ‘yun, sinabi nila na mabilis lang makapasok. Nung time din ata na ‘yun, parang inis na inis ka na rin sa Pilipinas dahil grabe na ‘yung traffic.
Grace: Nung time na ‘yun, na-snatch ‘yung wallet ko. ‘Di ba ano, malapit na kami sa Robinsons Galleria. So nanood lang kaming sine, naglalakad kami, ta’s na-snatch ‘yung wallet ko. Tapos nun, ‘di reliable ‘yung police, ‘yung bangko ayaw mag-cooperate. Parang mafu-frustrate ka.
CB: Walang public service!
Grace: Parang napuno na kami so nag-try lang kami mag-apply. Tapos nagulat kami, ambilis. Parang uy! Na-approve na.
DM: Grabe ‘yun eh, sobrang bilis nun. I think nag-Wander meeting pa yata tayo before ta’s parang biglang, “Hoy, ano na?”
CB: ‘Yun nga, Dan.
DM: Pero nung nakarating kayo diyan sa New Zealand, ‘di ba parang medyo nagkaroon din ng mga challenges? Ano ‘yung nakatulong sa inyo mag-settle down sa New Zealand?
Grace: Na-feel na natin na parang naka-settle na tayo nung marami na tayong kilala.
CB: Oo, sa koneksyon talaga, Dan.
DM: Nung nasa Glen Innes kayo, may mga work ka bang nagawa habang nandun ka? Like, part ba siya nung transition from nandun kayo sa Glen Innes ta’s parang nagsimula ka gumaw ng art or nag-shoot ka?
Grace: Sino ba ‘yung sikat na food photographer sa’tin?
CB: Ah! Si Aaron McLean, para siyang Mark Nicdao of food photography dito sa New Zealand. Kasi siya ‘yung nakakakuha ng mga malalaking project dito. Sa kanya ‘yung mga advertising projects.

DM: Before nung nag-uusap tayo, ‘yung sinasabi mo na napapaisip ka kung ikaw ba ‘yung token brown guy nila diyan sa team nila.
CB: Oo, siyempre. [Laughs] Token brown guy na galing Pilipinas.
DM: Pero nakakausap mo naman sila madalas? Nakaka-work mo pa sila madalas ngayon?
CB: Oo, hanggang ngayon nakakapag-interact.
DM: Sila Aaron din ba ‘yung naka-encourage sa ‘yo na maging active dun sa urban gardening?
CB: Oo. Tsaka ‘yun din ‘yung parang nag-open up din siya ng door dun sa connection sa mga Maori.
Grace: Sa Marae.
CB: Sa Marae, oo. Mas lumalim ‘yung connection mo dito sa lupa na ‘to nung naka-connect ka dun sa mga first people dito na indigenous.
Grace: ‘Di, tsaka dun din natin na-meet ‘yung ASTR—Asian Supporting Tino Rangatiratanga. Mga group of Asians sila na sinu-support nila ‘yung sovereignty ng mga Maori.
CB: Kasi ‘yung sovereignty ng Maori, sovereignty din nating—
Grace: Nating mga people of color. Tapos nun, dun, after namin sila na-meet, na-realize namin na masyado pala kami nagha-hang out sa mga puti. [Laughs]
CB: Parang unti-unti na tayo nagkakaroon ng whitewash. Nawhi-whitewash ‘yung perspective ko eh, parang kailangan mong i-pull back ‘yung sarili mo. ‘Yun nga eh, name-meet natin ‘yung Maori.
DM: ‘Yan ‘yung isa na sobrang natuwa ako, kasi nung nasa Pinas kayo, hindi ko na-imagine na parang magiging ganyan kayo ka-active.
CB: Pseudo-activism lang ‘to, Dan. Pseudo-activism. [Laughs]

DM: Pa’no ka nagsimula dun sa farming?
CB: ‘Yung catalyst talaga nang ginagawa ko, kahit dun sa Pilipinas, ‘yung element ng chaos eh. Kasi nung time kasi na nag-start ako mag-garden, nakabangga ako.
DM: Oo nga eh.
CB: Nakabangga ako. Nagkaroon ako ng criminal record dito. Ta’s winter nung time na ‘yun. Winter na sobrang lamig, hindi ako makalabas ng bahay. Nung time pa na ‘yun, sa likod ng bahay namin, maraming fruit trees dun na mandarin orange, tsaka ‘yung grapefruit. Basta. Sorry, nakwento ko lang ‘yun, medyo mahaba na pero—
DM: Go lang.
CB: May trigger lang din na old memory sa childhood ko, naalala ko lang kasi sa harap ng bahay namin dati, nung maliit pa kami nung mga 1990–91, maraming puno dun na malalaki na pinutol. Pinutol ‘yung mga puno kung saan nagco-congregate ‘yung mga tao, ‘yung mga local community namin dun, ‘yung barangay namin. Ano ba ‘yun, ‘di ba? Palaging nasisira ‘yung nature. Pero anyway, basta, parang ‘yun ‘yung catalyst eh, na may chaos. Sige, ‘yun na ‘yun. Dami ko pang sinabi. [Laughs]
DM: Na-control mo ba ‘yung chaos or na-manage mo ba ‘yung chaos nung nag-start ka na mag-gardening?
CB: Parang nababalanse lang. Ta’s nakakatawa kasi makikita mo side by side ‘yung growth. Ta’s makikita mo dun sa garden na nag-aani siya, nagre-restore siya ng ecosystem. Gamitin ko na ‘yung mga jargon na ‘to, ‘yung regenerative. Not to romanticize, pero parang ‘yun pala ‘yung the whole time na wala sa ’yo, na matagal mo nang hinahanap.
DM: ‘Yun lang ‘yung ginagawa mo the whole time?
CB: Oo, kasi nagkakaroon siya ng healing space eh, ‘yung garden. Parang ang daming benefits na binibigay sa’kin, like nag-lessen ‘yung anxiety ko.
Dan! Ewan ko, pero hindi ko kasi ‘to kinukwento sa inyo pero may history talaga ako nun sa Pilipinas eh. Alam mo yun? Mahaba rin na duration talaga ‘yun eh. Ta’s naghahanap ka ng healing pero saan ‘yun? Ta’s ‘yun nga, ngayon nahanap na ‘ko ‘yung healing sa lupa. ‘Yung connection talaga sa nature, sa halaman.
Ang hirap kasi na-diagnose ako ng ADHD dito eh. ‘Pag nagself-medicate kasi ako, ‘yung chemicals sa brain parang nate-tweak eh, ta’s parang nagkakaroon ako ng focus. Pero ‘di siya sustainable eh. Ta’s ‘yun nga. Balik tayo sa gardening—
Grace: Nagkakaroon ka ng focus.
CB: Tapos isipin mo rin na ‘yung trauma, nagro-root din sa kahirapan, ‘yung nakikita mo ‘yung magulang mong mahirap. Ta’s ‘yung pressure na kailangan mong mag-focus na, na maging top of your game. May sistema lang talaga na pinu-push tayo maging ganun. Alam mo ‘yung mga storya ng mga driver sa atin diyan na kailangan nila mag-shabu para mag-focus, alam mo ‘yun?
DM: Tsaka para makapagtrabaho nang mas mahaba. Ganon.
CB: ‘Yung sistema na ‘to which is built on systemic oppression and marginalization continuously recreates patterns of addiction and deep poverty. Kasi ‘yung mga peasant, mga manggagawa na class, hindi binibigyan ng dignity, value, and access to land and resources na mag-improve ng buhay nila. ‘Yung personal experience ko sa public education system natin na very Amerikano, doon na nag-start ‘yung programming ng marginalisation ng nasa lower class. ‘Yung mga anak ng mga engineers, architects, lawyers and iba pang professionals, sila ‘yung nasa hierarchy ng class section 1. Meaning, better ‘yung conditions nila. May access to good teachers, books, and classrooms. While in conjunction sa mga anak ng mga peasant farmers, fisherfolk, and construction workers, ‘yung access nila sa resources lesser. The lower the section, the worse the teachers, the worse the books and classrooms.
In my personal view, ‘yung sistema in theory, it's democratic but it's accessible to only a few. ‘Yung mga naging adik and mga tambay, victims lang sila ng sistema na ‘to. It's not fit for them. ‘Yung mga tambay and adiks, mga poets sila, iba ‘yung way nila mag-read. Hindi sila literate sa English but kaya nila mag-read ng rivers, hangin, lupa, dahon, puno, bukid, and iba pang animate na elements ng nature.
Personally, na-witness ko ‘to growing up sa barangay namin sa Consolacion, Cebu—‘yung erosion ng simple way of life ng mga tao dahil nawalan sila ng spiritual connection sa nature dahil nag-dry up ‘yung rivers kung saan nag-flow ‘yung buhay nila, nakakalbo ‘yung bundok and pinutol ‘yung mga kahoy para magkaroon ng development and progress for the tiny elite minorities.
DM: Mm-mm.
CB: Naalala ko lang din na parang pupunta ako sa squatter area, andun ‘yung shabu. Bakit andun ‘yung shabu? Alam mo ‘yun? Bakit andun ‘yung shabu, Dan, bakit nasa squatter na area? Ta’s makikita mo ‘yung mga tao talaga dun, parang tatanungin mo, bakit kayo nagsha-shabu, bakit ito ‘yung nagiging livelihood niyo? Ta’s yung laging sagot parang, ganito talaga kami. Ganito talaga kami.
DM: Ano ‘yung differences na napansin mo diyan versus dito sa Philippines?
Grace: Sa Pilipinas, para makapunta ka sa magandang lugar, kailangang magbayad ka. [Laughs]
CB: Magbayad ka.
Grace: Private lahat ng magaganda.
CB: ‘Yung monopoly ng common space.
Grace: Oo, whereas dito, ‘yung park, park talaga. Hindi ‘yung Ortigas Park.
CB: ‘Yung Ortigas Park, backyard dito sa New Zealand. Nakakatawa kasi pinapakita ko ‘yung park pictures diyan sa mga kaibigan namin dito. “Tingnan mo ‘tong park namin dun,” ta’s, “it’s not a park, it’s a lawn!” [Laughs]
DM: May question pala ako. Kasi ‘di ba nag-start ka nung Open Homes? ‘Yan ‘yung garden niyo sa New Lynn, ‘di ba?
CB & Grace: Mm-mm.
DM: So ngayon na lumipat na kayo from New Lynn, gagawin mo rin ‘yan diyan sa bago niyong place?
Grace: Oo, ayun ‘yung plano.
CB: ‘Yun ‘yung plano. Sa totoo lang ah, magiging honest ako, sobrang privileged talaga namin na magawa ‘to. Sobrang privileged eh kasi ‘yun nga eh sa trabaho, sa nature ng trabaho ni Grace eh—na parang part siya ng 5% na income bracket. May access na makabili ng bahay. Ayaw kong gamitin ‘yung guilt but alam mo ‘yun, ‘yung parang… meron kang hiya. Parang brown savior, Dan! [Laughs]
DM: Oo, siyempre.
CB: Kaya ‘yung konsepto nga ng hiya eh, importante ‘yun eh. Parang, tangina, nakakahiya naman ‘to. Ano parang, sarap ng pagkain ko, organic! Paano ‘yung ibang tao?! Paano ‘yung ibang tao, alam mo ‘yun?
DM: Naco-connect mo pa rin ba ‘yung practice mo sa gardening sa pagiging artist mo?
CB: Oo. Hindi sila disconnected eh. Na-extend lang ‘yung art practice dun sa nature talaga. Embedded na rin sa’kin ‘yung camera eh. Parang, hindi ko mapigilan ‘yung sarili ko na mag-document sa kung ano ‘yung nasa harap ko, ano ‘yung environment ko. Na-extend lang eh. Ta’s mas nagiging malalim pa nga ‘yung roots eh, kasi biglang marami ka nang nakikita na hindi mo nakikita dati.
DM: I’m assuming gusto mo mag-exhibit ulit sa Pilipinas, ‘di ba? So, ano ‘yung gusto mong ikuwento sa Pilipinas about ‘yung experience mo ngayon na pinagdadaanan mo?
CB: Shit. Ang dami. Sobrang dami, Dan, eh. Sana nga ma-print ko ‘to lahat ng naiisip ko sa utak ko. Alam mo ‘yun? Tsaka ang hirap din eh, kasi hindi din siya parang mabilis ikuwento.
DM: Oo, kasi siyempre ‘pag nagkuwento ka, ang dating mo mukha kang AFAM na nagkukuwento about gardening. [Laughs]
Grace: Oo nga!︎

Dan Matutina is a multi-awarded designer and the co-founder of Plus63 Design Studio.